Chinese Mafia
Текст песни Unang Duduwal

Добавьте этот текст песни в ваш персональный список песен.

Текст песни Chinese Mafia - Unang Duduwal

* Kung sino ma'ng tatapak samen
Bago mo pasukin, bago mo balakin
Isipin muna kung hanggang saan ka tatagal
Tingnan naten kung sino'ng unang duduwal
Kung sino ma'ng tatapak samen
Bago mo pasukin, bago mo balakin
Isipin muna kung hanggang saan ka tatagal
Tingnan naten kung sino'ng unang duduwal

KLUTCH-B:
Sino'ng muling dumating? Silipin nyo sa largabista
At pag nasipat i-adjust at nang makitang
Di galing ng subasta aming mekanismo
At maingat na sinala bawat organismo
Mainit, gumuguhit at saka lumalagda
Kahit armado ka, sa pagsagupa laging handa
Panalo bawat kasa - kasado bawat palya
Hindi papayag na tabla - baldado bawat salya
Ang Chinese Mafia, we always bring the pain all day
At gumagapang ang tunog hanggang Causeway Bay
Parang kolumnista, partida wala 'tong makinilya
Sinulat ng iba, sinunog parang arsonista
Respeto sa arkitekto pero ako ang inhinyero
Pormal na nagdisenyo sa pag-atake ng kabalyero
Opensa nakasentro - sa depensa naka-alerto
Mga nangahas nagsilayas, malinis pa sa disyerto

* Kung sino ma'ng tatapak samen
Bago mo pasukin, bago mo balakin
Isipin muna kung hanggang saan ka tatagal
Tingnan naten kung sino'ng unang duduwal
Kung sino ma'ng tatapak samen
Bago mo pasukin, bago mo balakin
Isipin muna kung hanggang saan ka tatagal
Tingnan naten kung sino'ng unang duduwal

CHI-NIGG:
Pangalawang MC, biniyagan sa pangalang Chi-Nigg
Libo kalibreng rhyme ang bitbit never madadaig
Akong kakabig, walang pipigil at aalpas
Di magiiwan ng bakas pagkaligtas ko'y parang ahas
Nakakalason when I spit rhymes sa utak galing
Tatapat pa ba? sa daldal nga taob si Apeng
Wag kang babaling, kay Chi-Nigg galaw ay critical
Oo nga't payat pero ni minsan never nag-xenical
Natural ang bagsak at sinlakas daw ni Eumorpho
(E ba't sasabihing dugong negro, mas maputi pa ka sa champurado)
Lahat planado, bawat hakbang ay makamandag
Di pupwedeng lumusot nadidinig ko bawat yabag
Bakas-bakas ang gustong kumalas - ako'ng bahala
Di kame sikat, di malalaos like Efren Bata
Eksena ko 'to, purong timpla walang chemical
Chi-Nigga, Chinese Mafia walang iba - radikal

* Kung sino ma'ng tatapak samen
Bago mo pasukin, bago mo balakin
Isipin muna kung hanggang saan ka tatagal
Tingnan naten kung sino'ng unang duduwal
Kung sino ma'ng tatapak samen
Bago mo pasukin, bago mo balakin
Isipin muna kung hanggang saan ka tatagal
Tingnan naten kung sino'ng unang duduwal

KLUTCH-B:
Sarili 'tong diskarte, walang ibang bumabakas
Walang namamagitan at wala na ring kakalas
Madalas mo 'kong bisitahin dun sa matadero
Kinakatay ko karne ng mga panggap na asindero
(Kwentong barbero! ) Pwes walang taguan sa silid
At baka nangangamoy pulbura ang iyong paligid
Sa gilid ka lang pag kame ang umeentrada
Malinis ang kalsada pag kame ang pumapasada

CHI-NIGG:
All right finished, ang maglipat ng channel ay kasalanan
Behave ka lang pre ang flow na to di ko babagalan
Walang kalaban, wag kang kabahan at di mabitin
Di ka naman gutom pati iced tea gustong kainin
Planado na 'to, I'm on the spot walang sisingit
Rhyme level kong binitawan itataas ko just like Balingit
Pero wag mag-init, ako lang 'to walang iba
Gusto mo tumapat ka na sasabayan kita pikit-mata

* Kung sino ma'ng tatapak samen
Bago mo pasukin, bago mo balakin
Isipin muna kung hanggang saan ka tatagal
Tingnan naten kung sino'ng unang duduwal
Kung sino ma'ng tatapak samen
Bago mo pasukin, bago mo balakin
Isipin muna kung hanggang saan ka tatagal
Tingnan naten kung sino'ng unang duduwal

Поиск текстов

Ваш личный список песен:

Для быстрого перехода к нужной песне вы можете добавлять в этот список любые тексты песен. Данный список автоматически сохраняется на вашем компьютере.