Добавьте этот текст песни в ваш персональный список песен.
Album: Don't Make Me Say This Twice (2008)
Namumugtong mga mata
Nakasilip sa bintana
Ang unos ay lilipas din
Makakamtan ang liwanag
Humihiling ka sa buwan
Nananalanging isip ay mabuksan
Isang halik, hihinto ang panahon
Babalik muli ang pagkakataon
Naghihintay sa sandali
Ng napawing pag-ibig
Init ay muling makamit
Mga sagot sa iyong hiling
Ay darating
Nakikita kang nalulunod sa luha
Nais kong pawiin ang lumbay
Pag nakikita kang nalulunod sa luha
Nais kong pawiin and lumbay
(Instrumental)
Mapipigilan ba
Maiiwasan ba
Ang tadhanang nakatala
Kung aagos ang luhang
Umaapoy ng diwa
Naghihintay sa sandali
Ng napawing pag-ibig
Init ay muling makamit
Mga sagot sa iyong hiling
Ay darating
Unos ay lilipas din
Naghihintay sa sandali
Sandali…
(original lyrics by Vehm Reyes)
Для быстрого перехода к нужной песне вы можете добавлять в этот список любые тексты песен. Данный список автоматически сохраняется на вашем компьютере.